^

Metro

12 minors nasagip sa human trafficking, online sexual abuse

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12 minors nasagip sa human trafficking, online sexual abuse
This undated file photo shows children playing.
UNICEF / Joshua Estey, File

MANILA, Philippines — Nasa 12 menor-de- edad na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking at online sexual abuse, ang nasagip sa tatlong magkakasunod na operasyon ng pulisya at Taguig City government.

Apat sa mga nasagip ang nailigtas noong Mayo 25, 2023, kabilang dito ang magkakapatid na kinabibilalang ng isang 5-buwang gulang na sanggol.

Arestado ang ina ng magkapatid.

Ayon sa Taguig City Social Welfare Development Office, na tumulong sa National Bureau of Investigation (NBI) rescue operation, ang ina ng mga bata ay nahaharap na paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse o  Exploitation of Children law, Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act in relation to the Cybercrime Prevention law, and trafficking.

Mayo 5, ang isa pang batch na kinabibilangan ng isang 16-anyos na lalaki, isang 15-anyos na babae, at dalawang 13-anyos na babae ang nailigtas sa tulong ng Taguig Police Substation-4, ang Inter-Agency Committee ng Department of Justice Against Trafficking, the Philippines Against Child Trafficking, at ang Department of Social Welfare and Development-National Capital Region.

Noong Mayo10, nasagip din ng CSWDO-Ta­guig at Philippine National Police’s Children Protection Center ng Camp Crame ang apat ding minors.

 Nag-ugat ang ope­rasyon sa impormasyong ibinigay ng Australian Federal Police, na kabilang ang isa nilang kababayan sa online sexual abuse and exploitation ng mga menor-de-edad.

Sinabi ng CSWDO-Taguig na sumailalim sa medico-legal examinations at psychosocial intervention ang mga nasagip na menor-de- edad.

Papadaliin din ng Lungsod ang referral ng mga nakaligtas na biktima para sa kanilang tutuluyan para sa pangmatagalang interbensyon.

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with