^

Metro

Paalis na OFWs prayoridad sa plastic drivers license cards - LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Paalis na OFWs prayoridad sa plastic drivers license cards - LTO
Stock image of LTO driver’s license.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Ipa-prayoridad ng Land Transportation Office (LTO) sa plastic drivers license cards ang mga papaalis na Overseas Filipino Wor­kers para magamit ito sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ito ang inihayag ni LTO officer-in-charge Hector Villacorta.

Sa kasalukuyan kasi tanging mga printed lamang sa papel ang natatanggap ng mga aplikante ng drivers license at mayroon na lamang silang 53,000 plastic cards na natitira na ilalaan na lamang sa mga depar­ting OFWs.

Anya, inatasan na niya ang mga division chief ng ahensiya upang unahing bigyan ng plastic drivers license cards ang mga departing OFWs para magamit sa kanilang trabaho.

Mahirap na umanong isapalaran sa ibang bansa ang mga printed drivers license.

Si Villacorta ay pormal nang naupo bilang OIC ng LTO kahapon kapalit ng nagbitiw na si dating LTO Chief Jay Art Tugade.

Sinabi ni Villacorta na pabibilisin nila ang sistema sa procurement ng plastic cards para sa susunod na dalawang buwan.

Bilang paalala, pinayuhan din nito ang mga tauhan na tupdin ng maayos at tapat ang kani-kanilang mga trabaho at labanan ang korapsiyon.

vuukle comment

DRIVERS LICENSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with