^

Metro

Langis ng truck, tumagas: 3 motorsiklo, sumemplang sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong motorsiklo ang sumemplang sa bahagi ng EDSA-Santolan sa Quezon City,  kamakalawa ng gabi dahil sa  tumagas ang langis mula sa isang 10-wheeler truck.

Nabatid na patungo sana ang truck sa Camp Aguinaldo Gate 6 upang maghatid ng mga sako ng puting buhangin pasado alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa southbound lane ng EDSA-Santolan.

Gayunman, pagdating nito sa kanto ng Boni Serrano Avenue ay pumutok umano ang power steering ng truck kaya tumagas ang tinatayang nasa dalawang litro ng langis sa kalsada.

Dahil dito, nasa tatlong motorsiklo ang sumemplang matapos na madulas dahil sa langis.

Ayon sa mga tauhan ng Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA), na rumesponde sa insidente, maayos naman ang mga rider ngunit isa sa mga kanila ang nagtamo ng sugat sa tuhod.

Pansamantala namang isinara ng mga awtoridad ang isang lane ng kalsada sa mga motorista dahil sa pangyayari at saka tinambakan ng kusot ang langis upang matanggal ito.

Sa salaysay naman ng driver ng truck na si AR Samson, maayos naman ang behikulo nang inspeksyunin niya bago sila bumiyahe mula Porac, Pampanga.

Gayunman, nang magpreno siya at tumigil ay bigla na lang umanong bumagsak ang steering box at dito na aniya tumulo ang langis.

“Yun ang nangyari. ‘Di mo pwedeng hindi itsi-check sa haba ng tinatakbo ng truck eh. Talagang bumagsak lang talaga siya kasi ginagamit,” ayon sa driver.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with