^

Metro

2 bebot na recruit ng sindikato ng human trafficking, napigil ng BI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagpapanggap na rin na mga seaman ng sindikato ng human trafficking ma­ging mga babae nilang biktima makaraang dalawa ang maharang at masagip ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport sa Pampanga kamakailan.

Sa ulat ng BI-Travel Control and Enforcement Unit, nasabat nila ang dalawang babaeng biktima noong Mayo 24 habang nagtatangkang umalis ng bansa patungo sa Bangkok.
Unang nagpanggap ang dalawang babae na ‘sea-based Overseas Filipino workers (OFWs)’ na na-recruit para magtrabaho sa Thailand.  Nagpakita sila ng mga kahina-hinalang dokumento na hindi nakalusot sa pagsusuri ng immigration officers.

Nang dumaan sa masusing pagtatanong, inamin ng dalawa na ang pinal nilang destinasyon ay ang Laos kung saan magtatrabaho umano sila bilang mga call center agents.

Kabilang ang Laos, kasama ang mga bansang Cambodia at Myanmar sa tinukoy ng BI na pinagdadalhan ng mga sindikato ng call scams sa kanilang mga biktima.
“The modus operandi here is for the victims to initially fly to Thailand where they would then board their connecting flight to Laos,” saad ni Tansingco.

Inamin ng dalawa na na-recruit sila sa pamamagitan ng isang recruitment advertisement na nakita nila sa social media.  Nagbayad umano sila ng tig-P40,000 sa kanilang mga handlers kapalit ng pagpro­seso ng kanilang mga pekeng travel documents.

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with