^

Metro

Pamamaril sa Quiapo: 1 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pamamaril sa Quiapo: 1 patay, 1 sugatan
Kinilala ang nasawi na si Mahammud Ibrahim Macud, residente ng Arlegui St., Quaipo, Maynila at tubong Marawi City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Utas ang isang 42-anyos na lalaki nang barilin ng tatlong beses ng hindi pa kilalang gunman, habang sugatan naman ang isang babaeng vendor na tinamaan ng ligaw na bala sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Mahammud Ibrahim Macud, residente ng Arlegui St., Quaipo, Maynila at tubong Marawi City.

Nagpapagaling pa sa Metropolitan Medical Center ang vendor na si Rohaima Bauang, 47, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang braso.

Tinutukoy pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa gunman at isang kasabwat.

Sa ulat, dakong alas -7:55 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Gunao St., sakop ng Barangay 384, District III, Quiapo.

Sa kuha ng CCTV, ang gunman ay nakitang umupo at naghihintay sa panulukan ng Arlegui at Gunao Sts.

Sa kuha ng isa pang CCTV, naglalakad ang biktima na may tinatawagan sa celphone nang sundan siya ng gunman na nakasuot ng bonnet at face mask, kinuha ang baril sa sling bag at malapitang pinutukan ng tatlong beses ang biktima na namatay noon din. Mabilis namang tumakas ang suspect palayo sa lugar.

Kasalukuyan namang nag-aayos ng kanyang paninda si Bauang na tinamaan ng ligaw na bala kaya isinugod sa pagamutan.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen, habang patuloy pang iniimbestigahan ang ang insidente.

vuukle comment

CRIME

DEAD

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with