BARMM police chief, inaresto sa kasong syndicated estafa
MANILA, Philippines — Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) police chief Brig. Gen. John Guyguyon, kaugnay ng kasong two counts ng syndicated estafa.
Dakong alas- 9:30 ng gabi kamakalawa nang ihain ng CIDG-BARMM tracker team ang arrest warrants na inisyu nina Judge Catherine Pespes Manodon ng National Capital Judicial Region (NCJR), RTC Branch 104, Quezon City at Judge Kathleen Rosario dela Cruz-Espinosa ng NCJR, RTC Branch 91, Quezon City laban kay Guyguyon sa kanyang opisina sa Camp SK Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Walang piyansang inirekomenda ang korte.
Maayos namang sumama sa kanyang mga kabaro si Guyguyon.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Guyguyon.
- Latest