^

Metro

P/Lt. Col na nasangkot sa hit-and-run, sinibak na ng Quezon City - PLEB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P/Lt. Col na nasangkot sa hit-and-run, sinibak na ng Quezon City - PLEB
Batay sa reklamo na naisampa noong  ­August  16, 2022, sinabi ng mga kapatid  ng biktima na    si  Abong habang minamaneho ang isang  black Ford Ranger pick-up  ay nabangga ang kanyang kapatid. Imbes na tulungan ay basta na lamang iniwan ng pulis ang lugar kasama ang iba pang police officers.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ng  People’s Law Enforcement Board of Quezon City (PLEB) ang dating hepe ng  Quezon City Police District-Crime Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kaugnay ng pagkamatay ng isang tricycle driver sa naganap  na hit-and-run incident  noong nagdaang taon.

Sa 19 pahinang desisyon, inalis sa puwesto ng PLEB-QC na pinamumunuan ni  Atty. Rafael Vicente Calinisan  si P/LT Col. Mark Julio Abong  at pinatawan naman ng  6 na buwang suspension  sina  P/Col. Alexander Barredo, PCpl Joan Vicente at PSMS Jose Soriano.

 Ang desisyon ay nag-ugat mula sa reklamo ng kapatid ni  Joel Laroa, na namatay sa isang  hit-and-run incident sa may Anonas St. noong  August  6, 2022.

Batay sa reklamo na naisampa noong  ­August  16, 2022, sinabi ng mga kapatid  ng biktima na    si  Abong habang minamaneho ang isang  black Ford Ranger pick-up  ay nabangga ang kanyang kapatid. Imbes na tulungan ay basta na lamang iniwan ng pulis ang lugar kasama ang iba pang police officers.

Inakusahan sina Barredo at Vicente na hinayaan si Abong na makatakas sa lugar na hindi man lamang tinulungan na madala sa pagamutan ang biktima.

 Si Soriano na isang traffic investigator na naka-assigned sa kaso ay sinasabing tumulong sa cover-cover-up sa insidente.

Sa hearing ng PLEB, ipinakita ang  video  ng CCTV  na sina  Barredo at Vicente ay nagtangkang hulihin ang driver ng sasakyan na nakabangga sa biktima pero nang malaman na si Abong ang driver ng sasakyan, hinayaan na lamang si Abong na makatakas.

Sa kanyang investigation report,sinabi ni So­riano na isang  “unknown driver” ang nasa likod ng aksidente  at saka pinangalanan na isang  Ronald Centino at ito ay  sa utos ni Atty. Mario Abong II, kapatid at  lawyer ni  Abong. 

Kinilala naman ni QC Mayor Joy Belmonte­ ang PLEB  dahil nabigyang hustisya ang biktima nang walang takot at walang pinapanigan.

vuukle comment

HIT-AND-RUN

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with