^

Metro

Mag-utol kalaboso sa pambubugbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ang isang magkapatid matapos masangkot sa pambubugbog sa isang tricycle driver na kinuyog ng mga ito sa Malabon City nitong Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang mga dinakip na sina  Jerico, 24, nurse, at Jerome Guillermo, 21, estudyante; ng Templora St. Brgy. Santulan ng lungsod.

Sa imbestigasyon, nabatid na nagwawalis sa harapan ng kanilang bahay sa  Brgy. Santulan ang tricycle driver na si Edric Monteclar, 35, nang bigla itong bundulin ng bisikletang sinasakyan ni Jerico.

Hindi pa umano nakuntento ay pinagtulungang bugbugin ng magkapatid ang  biktima na nakatawag pansin naman sa kanilang kapitbahay na si Reyman Panambo, 23 at Clarita MOnteclr, 20; kapwa estudyante  na tinangkang umawat pero pinagbalingan ding bugbugin  ng mga suspect.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima.

Sa isinagawang follow-up operation, nadakip ang magkapatid makaraang humingi ng tulong sa pulisya ang mga kaanak ng mga biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang magkapatid na suspect.

vuukle comment

JEROME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with