Number coding suspendido sa Holy Week – MMDA
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng number coding scheme sa National Capital Region mula sa Abril 6 (Maundy Thursday) hanggang Abril 10 (Lunes).
Kaugnay nito, inanunsyo din ng MMDA, simula sa April 5, Holy Wednesday hanggang April 10, Lunes ay isasagawa ang kanilang ‘Oplan Metro Alalay Semana Santa 2023’ para bigyang alalay ang mga motorista sa panahon ng Mahal na Araw.
Umaabot sa 2,104 MMDA personnel ang ikakalat ng ahensiya sa mga pampublikong lugar at pangunahing kalsada para mangasiwa sa daloy ng trapiko.
Inihayag din ng MMDA na ipinaiiral din sa MMDA ang ‘no day off, no absent policy’ mula April 5 hanggang April 10 dahil sa inaasahang mabigat na daloy na trapiko dulot ng Holy Week exodus.
- Latest