^

Metro

Bebot na claimant ng parcel, arestado sa shabu

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Bebot na claimant ng parcel, arestado sa shabu
Sinabi ni Mark Almase­Doc, hepe ng BOC-CMEC, nagsasagawa sila ng masinsinang regular na x-ray screening sa CMEC warehouse, ng isang parsela na idineklara bilang “Universal Engine” na galing sa New Delhi, India,  na minarkahan ng “X” ng XIP Inspector dahil sa hindi regular at kahina-hinalang imahe na nakita.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Customs (BOC)-Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang babaeng claimant matapos makita na may shabu na nakatago sa loob na kinukuha nitong parsela, kamakalawa sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pasay City.

Sinabi ni Mark Almase­Doc, hepe ng BOC-CMEC, nagsasagawa sila ng masinsinang regular na x-ray screening sa CMEC warehouse, ng isang parsela na idineklara bilang “Universal Engine” na galing sa New Delhi, India,  na minarkahan ng “X” ng XIP Inspector dahil sa hindi regular at kahina-hinalang imahe na nakita.

Ayon kay AlmaseDoc, sa ginawang 100% examination, ang apat na pakete ay naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap (nakabalot gamit ang asul na carbon paper at tape), na nakatago sa loob ng cylindrical aluminum receptacle na may label na “Universal Engine”.

Humigit-kumulang 514 grams ang bigat ng mga nasamsam na substance na may tinatayang street value na P3,495,200.

Isang Field Test ang isi­nagawa ng CAIDTF at PDEA na nagresulta sa positibong presensya ng  shabu.

Ang  claimant na hindi muna pinangalanan ay ina­resto dahil sa paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with