^

Metro

Buwis-buhay na traffic enforcer, kinilala ng Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-pagkilala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tapang at pagiging bayani ng isang traffic enforcer ng lungsod na nagbuwis ng buhay para sa mga pedestrian kung saan siya ang natumbok ng rumaragasang truck.

“We salute the bravery and heroism of Traffic Enfor­cer Jeffrey Antolin of our Quezon City Traffic and Transport Management Department. TE Antolin went above and beyond the call of duty, sacrificing his life to save a pedestrian, while manning traffic,” sabi ni Mayor Belmonte.

Nabatid na nagmamando ng trapiko si Antolin sa may kahabaan ng A. Bonifacio Avenue nang makita ang  paparating na truck.

Dahil hindi sinunod ng dri­ver ng truck ang hand signal nito para ihinto ang trak, kaya mina­buti ni Antolin na ilayo sa panganib ang mga pedestrian  dahilan upang siya mismo ang mahagip at mabangga ng  trak hanggang sa pumailalim.

Dinala pa si Antolin sa ospital pero iniulat ito na dead on arrival sa pagamutan.

Nagpahatid na ng  pakikiramay ang lokal na pamahalaan sa mga naulila ni Antolin at nagsabing magkakaloob ng kaukulang tulong sa pamilya nito.

Pinasalamatan din ng lokal na pamahalaan ang ginawang pagseserbisyo nito sa mga taga-QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with