^

Metro

85 high-powered na baril nasamsam sa raid sa condo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
85 high-powered na baril nasamsam sa raid sa condo
File photo of high-powered firearms.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 85 piraso ng matataas na kalibre ng baril ang nasabat ng pulisya sa ikinasang operasyon nitong Lunes ng gabi sa isang condominium unit na pag-aari ng isang Taiwanese national sa Makati City.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa nang sakalayin ng nagsanib-puwersa na CIDG-Anti Organized Crime Unit (lead unit), Philippine Drug Enforcement Agency-NCR, at Makati City Police Station ang isang unit sa isang condominium building sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Armado ang mga operatiba ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Rico Sebastian D Liwanag, ng Office of the 3rd Vice Executive Judge Makati City, dahil sa paglabag sa RA 10591 o ang Firearms and Ammunitions law.

Target sa operasyon ang Taiwanese national na si Jiang Zhang Xiaodong, alyas Lu Ming Chung, ngunit hindi inabutan ng mga operatiba, tumambad sa kanila ang napakaraming mga armas sa loob ng kaniyang unit. Patuloy ang imbestigasyon habang pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek na si Jiang na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

CONFISCATED

FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with