^

Metro

Anak tinangka patayin ang ina, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtangka umanong pumatay sa kanyang sariling ina sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Project 6 Police Station (PS 15) Commander, PLTCOL Richard Mepania kay QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III, nakilala ang naarestong suspek na si Louie Cabog-os, 29, at residente ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon na dakong alas-6:10 ng umaga kamakalawa nang maganap ang krimen sa tahanan ng mag-ina sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro.

Nauna rito, inutusan umano ng suspek ang kanyang ina na alagaan ang kanyang anak.

Gayunman, sa ‘di pa malamang kadahilanan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito sanhi upang kumuha ng itak ang suspek at tinangkang tagain at patayin ang kanyang sariling ina.

Nagawa naman ng ginang na makaiwas sa pag-atake sa pamamagitan nang pagtatago at pagkukulong sa silid ng bahay.

Habang tinatangka umano ng suspek na pasukin ang silid ay nagawa ng ginang na makahingi ng tulong sa mga tauhan ng PS-15.

Dahil dito, tumakas ang suspek ngunit kaagad siyang hinanting ng mga otoridad at kaagad rin namang naaresto.

vuukle comment

CRIME

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with