^

Metro

Mag-ina, patay sa sunog: Arson sinisilip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina, patay sa sunog: Arson sinisilip
Isinakay ng mga Funeral parlor personnel ang body bag ng tupok na katawan ng isang mag-ina matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay, kaha-pon sa Barangay Krus na Ligas, Quezon City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Patay ang isang mag-ina matapos ma-trapped sa nasusunog nilang kuwarto sa insidente ng hinihinalang arson sa Quezon City, kahapon.

Tumanggi pa muna ang Bureau of Fire Protection (BFP) na pangalanan ang mga biktima na ang ina ay inilarawang nasa 40-anyos ang edad, habang 17 hanggang 18-anyos ang kanyang anak na babae, dahil wala pa umanong clearance ang pamilya ng mga ito.

Batay sa ulat ng BFP, pa­sado alas-2:00 ng hapon nang maganap ang sunog sa dalawang palapag na tahanan na matatagpuan sa 13-2 Avelino Alley Lt. J. Francisco, Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.

Umabot lamang ng unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula bago mag-alas-2:58 ng madaling araw.

Pero tumambad sa mga responder ang wala nang buhay na mag-ina sa loob ng kanilang kuwarto, kung saan may anim na buwan pa lamang umano silang nangu­ngupahan.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng apoy, ngunit kabilang sa iniimbestigahan nila ay posibleng arson o sinadya ang sunog.

“Kakaiba po ang sunog na ito, iisang kuwarto po siya at merong commotion ... nandun ‘yung bata, sinasabing nagsisigaw ng tulong at hindi mabuksan kasi naka-lock po. At later on, siguro mga ilang minuto, nandun na nga, bigla na lang nagkaroon ng apoy at nagkaroon ng sunog doon,” ayon kay Fire Sr. Supt. Aristotle Bañaga.

Sa pagtaya ng pulisya, aabot lamang sa P24,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog at ang silid lamang ng mga biktima ang naapektuhan nito.

 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with