PNP bumuwelta sa UP prof. na inaresto sa ‘di pagre-remit ng SSS ng kasambaha

MANILA, Philippines - Binuweltahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga propesor ng University of the Philippines (UP) dahil sa pagkuwestiyon sa ginawang pag-aresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang professor na si Melania Flores kamakailan.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, hindi dapat gamitin ng mga propesor ng unibersidad para sa kanilang pabor ang isyu ng pag-aresto kay Flores.
Giit pa ni Fajardo, “Let us not overstretch itong issue na ito. This is not an attack sa freedom of expression or academic freedom for that matter.”
Sinabi ni Fajardo na ang nangyaring pag-aresto kay Flores ay bahagi ng judicial process dahil siya ay may nakabinbing warrant of arrest sa paglabag sa Republic Act 8282, o The Social Security Act.
Matatandaang si Flores ay inaresto ng QCPD noong Lunes ng umaga dahil sa akusasyon nang hindi pagbabayad ng Social Security System (SSS) contributions ng kanyang katulong.
Nakalaya rin naman kinahapunan ang propesora matapos na makapaglagak ng P72,000 na piyansa.
“Makikita natin na wala pong illegal sa naging pag-aresto po ng ating kagalanggalang na professor dahil siya ay inaaresto sa bisa ng valid warrant of arrest na inissue ng ating korte,” dagdag pa ni Fajardo.
- Latest