^

Metro

Mister, ginilitan ni misis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister, ginilitan ni misis
Sugatan ang mister na si Bryan Mente Tajanlangit, 34, call center agent, habang arestado naman ang kanyang misis na si Marivic Marimat Tajanlangit, 35, kapwa residente ng  Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.
STAR/ File

Sinita sa magdamagang inuman

MANILA, Philippines — Ginilitan ng leeg ni misis ang kanyang mister nang sitahin siya sa kanyang magdamagang pakikipag-­inuman sa loob ng kanilang tahanan sa ­Quezon City kamakalawa.

Sugatan ang mister na si Bryan Mente Tajanlangit, 34, call center agent, habang arestado naman ang kanyang misis na si Marivic Marimat Tajanlangit, 35, kapwa residente ng  Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, nabatid na dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng mag-asawa.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Germito M Loria Jr., na bago ang krimen ay kauuwi lamang ng biktima mula sa pinagtatrabahuhang call cen­ter nang madatnan nito ang misis na nakikipag-inuman pa sa kaniyang mga kabarkada sa loob ng kanilang tahanan.

Dahil dito ay nagalit ang mister kaya umalis na rin ang mga kainuman ng kaniyang misis.

Nagkaroon din ng argumento sa pagitan ng mag-asawa at dahil sa napahiya sa kaniyang mga barkada ay galit na kumuha ng gunting ang lasing na misis at nilaslas ang leeg ng mister.

Agad namang nagtatakbo palabas ng kanilang tahanan ang lalaki at humingi ng saklolo sa kanilang mga opisyal ng barangay at ipinaaresto ang kaniyang asawa.

Isinugod din ang biktima sa Commonwealth General Hospital para malunasan.

Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong bigong pagpatay sa piskalya.

vuukle comment

BRYAN MENTE TAJANLANGIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with