^

Metro

BOC-CIIS, tumanggap ng pagkilala sa kanilang anti-smuggling ops

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang rekognisyon sa border-protection efforts ng kanilang mga opisyal, pinarangalan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa kanilang ika-121st founding anniversary para sa “strategic execution” ng anti-smuggling operations nito na nagresulta sa “multiple successful apprehensions”.

Kinilala ng ahensiya ang mga serbisyo ng kanilang collection districts at offices sa kanilang pagdiriwang na isinagawa sa South Harbor sa Maynila nitong Martes.

Nabatid na si CIIS Director Jeoffrey Tacio ay tumanggap din ng plaque of recognition mula kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Binigyang-pagkilala sa plake ang “technical proficiency” ng CIIS sa pagtulong sa ahensiya na magampanan ang kanilang mandato na protektahan ang mga border ng bansa.

Nagagalak namang tinanggap ni Tacio ang parangal at kinilala rin ang kanyang mga tauhan sa sakripisyo ng mga ito upang matiyak na magiging matagumpay ang kanilang mga operasyong isinagawa noong nakaraang taon.

Pinuri rin ni Tacio ang mga opisyal at ahente ng CIIS para sa kanilang mahusay at kahanga-hangang pagtatrabaho noong nakaraang taon.

Ang founding anniversary ng ahensiya ay dinaluhan din ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na siyang kumatawan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang guest of honor at speaker.

Napag-alaman na sa Manila International Container Port (MICP) pa lamang, nakakum­piska na ang CIIS ng alerted shipment na may estimated value na P21,655,776,268.18, nagpatupad ng Letters of Authority (LOA), at joint buy-bust operations noong 2022.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with