^

Metro

2 binatilyo, nalunod sa waterway

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang binatilyo ang nasawi nang  malunod sa waterway sa Quezon City, kahapon ng hapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Francis Alcala, 13, at Jobert Francisco, 15, kapwa residente ng Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Batay sa inisyal na report ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC), nabatid na dakong alas-12:32 ng hapon nang itawag sa kanila na may dalawang bata ang nalunod sa  waterway sa Sitio Bakal, Brgy.  Bagong Silangan, Quezon City.

Katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang QCDRRMC sa lugar.

Unang natagpuan si Alcala dakong ala-1:19 ng hapon na nag-aagaw-buhay at isinugod sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Pasado alas-2:00 ng hapon naman nang   matagpuan si Francisco ngunit patay na ito. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

ALCALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with