^

Metro

‘Utak, gunman sa tangkang pamamaril sa empleyado ng Ombudsman, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Utak, gunman sa tangkang pamamaril sa empleyado ng Ombudsman, timbog
Kalaboso na si Marlon Nery (kaliwa) ang sinasabing bumaril sa isang babaeng empleyado ng Ombudsman. Ikinanta nito ang ‘utak’ sa krimen na nakilalang si Dexter Cruz (kanan) na nadakip na rin ng mga awtoridad.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang itinuturing na mastermind at gunman sa kaso nang pamamaril sa isang empleyado ng Office of the Ombudsman sa ­Quezon City, kamakailan.

Batay sa ulat ng QCPD, na nakarating sa tanggapan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), kabilang sa naaresto ay ang gunman na si Marlon Nery, 47, na residente ng Susano Road, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City at si Dexter Cruz, 45, na itinuturing na mastermind sa pamama­ril at tangkang pagpatay sa biktimang si Dianne Paguirigan, 37, Admin Aide IV ng Office of the Ombudsman.

Si Nery ay naaresto sa kanilang tahanan dakong alas-9:20 ng umaga, habang si Cruz, na em­pleyado rin ng Ombudsman, ay naaresto naman dakong alas-7:50 ng gabi ng nasabi ring araw sa Central Avenue, QC Ville, Brgy. Culiat, Quezon City.

Unang naaresto  ang gunman matapos na matukoy ito sa tulong ng mga CCTV footages na kuha sa mga barangay.

Nakumpiska mula kay Nery ang isang unit LLAMA caliber 7.65/32; isang magazine ng LLAMA; mga bala, isang F.T Pistol Italy at magazine nito, mga cellphone, mga IDs at isang kulay gray na Honda TMX motorcycle.

Sa interogasyon kay Nery, nagbigay umano ito sa QCPD ng “extrajudicial confession” kung saan ikinumpisal niya kung paano plinano at isinagawa ang krimen.

Itinuro rin niya si Cruz na siyang kumontak sa kanya at nagbayad ng P30,000 upang patayin si Paguirigan, kaya’t kaagad rin itong inaresto ng mga awtoridad.Nakum­piska ng mga pulis mula sa tahanan ni Cruz ang isang 12 gauge shotgun; isang Colt M4 Commando; isang unit ng Bersa thunder .9mm; isang unit ng Taurus PT 739; apat na pirasong magazine ng Cal. 5.56; dalawang magazine ng cal. 9 mm; isang magazine ng caliber 380; isang rifle bag; dalawang inside holster; 134 pirasong bala ng caliber 5.56; 20 pirasong live ammunition ng caliber 9mm; limang live ammunition ng caliber 380; isang belt bag; at isang fragmentation hand grenade.

Inihayag pa ni Nery, na bago ang insidente naikuwento ni Cruz ang problema umano nito sa mga Facebook post ng biktima na hindi naman nito idinitalye nang husto .

Matatandaang dakong alas-8:20 ng ­umaga noong Miyerkules ay naglalakad si Paguirigan sa Quezon Avenue, kanto ng Cordillera St., sa Brgy. Doña Josefa, QC nang bigla na lang siyang lapitan ng suspek at dalawang ulit na binaril sa dibdib bago tumakas.

Mapalad namang nakaligtas ang biktima, na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with