^

Metro

P30.9 bilyong ilegal na droga nakumpiska noong 2022

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P30.9 bilyong ilegal na droga nakumpiska noong 2022
Sa 2022 accomplishment report nito na iniharap sa Malacañang nitong linggo, sinabi ng PDEA na bukod sa multi-bilyong halaga ng droga na nasamsam ng mga law enforcement agencies, sinira rin nito ang humigit-kumulang P27.8 bilyong halaga ng droga, controlled precursors at essential chemicals (CPECS). .
KJ Rosales / File

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakasamsam ng humigit-kumulang P30.9 bilyong halaga ng ilegal na droga noong 2022.

Ayon sa PDEA, resulta ito ng pagpapaigting ng anti-narcotics campaign ng gobyerno.

Sa 2022 accomplishment report nito na iniharap sa Malacañang nitong linggo, sinabi ng PDEA na bukod sa multi-bilyong halaga ng droga na nasamsam ng mga law enforcement agencies, sinira rin nito ang humigit-kumulang P27.8 bilyong halaga ng droga, controlled precursors at essential chemicals (CPECS). .

Nakasaad din sa report na  mahigit 37,000 ang isinagawang operasyon  ng ahensya at iba pang law enforcement units kung saan may kabuuang 53,002 drug personalities ang naaresto.

Nasa 237 marijuana sites din ang natanggal, na nagresulta sa pagkasira ng P738.6 million na halaga ng marijuana plants at derivatives, ayon sa ulat ng PDEA.

Upang mabawasan ang demand para sa ilegal na droga, nagsagawa ang PDEA ng 257,588 Preventive Education and Community Involvement (PECI) na aktibidad at nagtatag ng 111 Balay Silangan Reformation Centers, na nagproduce ng humigit-kumulang 2,000 graduates at nagkaroon ng trabaho ang nasa 894 na indibidwal.

Sinabi ng PDEA na mahigit 300,000 Persons Who Used Drugs (PWUDs) sa mga drug-cleared barangay ang sumailalim sa community-based drug rehabilitation programs, habang 67,045 PWUDs ang nabigyan ng intervention programs.

Sinabi rin ng  PDEA na sinasamantala ng mga sindikato ang pagiging archipelagic ng bansa, nagdadala ng mga ilegal na droga at kontroladong precursors at mahahalagang kemikal sa pamamagitan ng mga daungan, paliparan, mail at parcel services at ang malawak na baybayin ng Pilipinas.

Aktibo ring tumulong ang PDEA sa pag-usig ng mga drug personalities sa buong bansa at nagsampa ng 45,850 drug cases laban sa kanila noong 2022.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with