^

Metro

MMDA nagkasa uli ng clearing operations sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling binalikan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Tondo, Maynila at nagkasa ng clearing operations upang matanggal ang pabalik-balik na mga obstruksyon.

Katuwang ang mga tauhan ng lokal na pamahaalan ng Maynila, Department of the Interior and Local Government at Manila Police District, winalis ng MMDA ang mga nakaparadang sasakyan tulad ng mga trak, kotse, tricycle, motorsiklo, at iba pang harang sa may Road 10 Yuseco Extension sa Dagupan Street, Tondo.

Sa pagkakataong ito, pinangunahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr., MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana at DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina ang ope­rasyon.

Sinabi ni Artes na kailangang malinis ang naturang kalsada na ­itinuturing na isa sa pangunahing lagusan papasok at palabas ng mga pier lalo na ng mga trak na nagdadala ng produkto.

Idinagdag pa ni Artes na kasama na nila ngayon ang mga tauhan ng MPD para matiyak ang katiwasayan ng operasyon at upang maiwasan ang mga insidente na sinasaktan ang kanilang mga tauhan maging ng mga halal na opisyal ng barangay.

Matatandaan na noong Enero 24 nang saktan umano ng barangay chairman ng Brgy. 51 Zone 4 ang isang tauhan ng MMDA sa isang clearing operations nang tumanggi siya na baklasin ang kaniyang carwash.

Iginiit naman ni Lipana na suportado ng MMDA ang kanilang mga tauhan na mabibiktima sa ganitong pananakit lalo na at nasa duty. Hindi umano sila patatakot sa mga opisyal ng barangay na nangha-harass sa kanila.

Tuloy ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa naturang barangay chairman.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with