^

Metro

Lalaki, balik-piitan sa P7.1 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-piitan ang isang lalaki matapos na mahulihan ng mahigit sa P7.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City, ka­makalawa ng gabi.

Ang suspek ay na­kilalang si Ian Torres, 37, konduktor ng bus, at residente ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Si Torres ay itinutu­ring na Top 2 District Drug Personality Priority Target ng QCPD dahil sa paglabag sa Section 5 (Selling of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ng QCPD-District Drug Enforcement Unit, nabatid na dakong alas-8:50 ng gabi nang maaresto ang suspek sa buy-bust ­operation sa isang tindahan ng barbeque na matatagpuan sa FPJ Avenue. Brgy., Katipunan, Quezon City.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang aabot sa isang kilo at 50 gramo ng shabu, na nakasilid sa paper bag at nagkakahalaga ng may P7,140,000, isang cellphone at buy-bust money.

Ayon sa pulisya, dati na ring nakulong ang suspek dahil sa drug charges.

Nagsasagawa pa naman ng follow-up ­operation ang pulisya upang matunton kung sino ang nagsusuplay ng droga sa suspek.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with