Higit P2.4 milyong halaga ng shabu, ecstasy nasabat
MANILA, Philippines — Nasamsam ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tatlong parcel na naglalaman ng ilegal na droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pair Cargo, at DHL Warehouse in Pasay City.
Itinur-over na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasamsam para sa proper disposition.
Nauna rito ay nagsagawa ang Customs ng physical examination sa mga parcels at nakakita ang anim na plastic pouches ng mga candies at isang vape cartridge na naglalaman ng nasa 1.020 kg ng ecstasy, at 106.46 gm ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P2.476 million halaga.
Ang parcels ay galing sa United States, France at Pakistan.
Ipinadala ito sa consignees sa Negros Occidental, Makati City, at Camarines Sur.
- Latest