BOC ‘di naniningil ng buwis gamit ang Gcash, bank transfer
MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga scammer na nagpapanggap na opisyal o tauhan nila at nanghihingi ng bayad para sa buwis o iba pang fees gamit ang mga virtual wallet application tulad ng GCash o bank transfer.
Nilinaw ng BOC na hindi sila nangongolekta ng mga custom duties at taxes gamit ang mga personal na accounts at maging sa pamamagitan ng remittance centers.
“BOC officials, including the BOC Customer Assistance and Response Services, do not directly communicate with parcel recipients via phone call, text message, or email to inform them or ask them to pay via bank deposit or money transfer for parcels to be released,” ayon sa pahayag ng BOC.
Ito ay makaraan na isang pekeng sulat na may logo pa ng BOC ang matuklasan. Naka-address ito sa Yannahsher’s Office Supplies na may petsang Disyembre 4, 2022, na naniningil ng bayad para sa buwis at fees (processing, branding at clearance/documents/file compilation) na aabot sa halagang P128,585.45.
Ngunit kahina-hinala pa na nais ipadaan ang pagbabayad sa pamamagitan ng GCash of brank transfer para mailabas ang 35 laptop computers para sa naturang kumpanya.
Ang sulat na umano’y certified true copy ay pirmado ng isang Raquel de jesus ng BOC-Central Records Management Division at ni dating commissioner Rey Guerrero.
- Latest