Mental health, top priority ni Mayor Joy

MANILA, Philippines — Pinalakas pa ng Quezon City government ang mga programa hinggil sa mental health sa pamamagitan ng paglikha pa ng mga proyekto na makakatulong sa mga indibiduwal na may kapansanan sa pag-iisip at tuloy maiwasan ang pagtaas ng kasong may kaugnayan sa mental illnesses sa lungsod.
Ito ay hakbang ng QC LGU bunga ng ulat na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na napapatunayang may mental health illnesses at marami ang nagtatangkang magpakamatay.
Batay sa ulat ni Departemnt of Education (DepEd) Assistant Secretary Dex Galvan na noong academic year 2021–2022 kung saan maraming paaralan ang sarado dahil sa pandemic, may 404 kabataang mag-aaral ang nagpakamatay at may 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang QC LGU ay nagsagawa na ng mga unang hakbang para mai-promote ang mental well-being partikular sa mga paaralan.
“As early as last year, we have extended assistance to public schools by hiring justly compensated mental health professionals like therapists and counselors who will recognize mental health warning signs early on and provide short-term counseling and crisis interventions,” pahayag ni Belmonte.
Bukod anya sa mga school interventions, nagtayo ang QC LGU ng Mental Wellness Access Hubs sa 6 na distrito sa lungsod na tumutulong sa mga taong may mental health disabilities, tulad ng pagkakaloob ng libreng prescription medicines at mayroon ditong mga espesyalista para makatulong na masolulusyunan ang anxiety at depression.
Nag-hire rin ang lokal na pamahalaan ng dagdag na mental health professionals na partikular na itatalaga sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) para makatulong sa policy making at conceptualization ng programa at resident care facilities para sa mga disadvantaged at marginalized.
“It is our moral responsibility as a local government to contribute to alleviating the state of mental health care that studies depict are exacerbated by chronic underinvestment, lack of mental health professionals, the prohibitive cost of consultation and treatment, and the persistent stigmatization of mental health problems.” dagdag ni Belmonte.
- Latest