^

Metro

Pamamaril sa empleyado ng Ombudsman, binubusisi ng QCPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Nicolas Torre III ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa pamamaril sa isang empleyado ng Office of the Ombudsman sa Quezon City, kamakalawa.

Ayon kay PBGEN Torre, layunin nitong matukoy kaagad ang motibo at pagkakakilanlan sa suspek na bumaril sa biktimang si Dianne Jane Paguirigan, 37, Admin Aide VI ng Office of the Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO), at residente ng Unang Hakbang St., Brgy. San Isidro, Galas, Quezon City.

Hinikayat din ni Torre ang sinumang may nalalamang impormasyon sa krimen, na maaaring mag­resulta sa agarang pagresolba nito, na magtungo lamang sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya at huwag mag-atubiling makipagtulungan sa kanila.

Batay sa ulat ng QCPD-Galas Police Station (PS 11), dakong alas-8:20 ng umaga nang maganap ang krimen sa tapat ng RCBC bank na matatagpuan sa Quezon Avenue, kanto ng Cordillera St., sa Brgy. Doña Josefa, Quezon City.

Naglalakad sa lugar si Paguirigan at maghihintay sana ng masasakyan papasok sa trabaho nang bigla na lang siyang sundan ng suspek at saka biglang hinila ang kanyang dalang bag.

Sa kuha ng CCTV camera sa lugar, makikitang nabigla ang biktima sa pangyayari hanggang sa bigla na lang siyang barilin ng suspek sa dibdib at saka mabilis na tumakas dala ang kanyang bag patungo sa direksiyon ng Quezon City Circle.

Nagawa pa naman ng biktima na makalakad upang humingi sana ng tulong ngunit bigla na itong  bumagsak.

Ilang bystander naman ang nakakita sa biktima at pinagtulungang isugod siya sa Capitol Medical Center, kung saan kasalukuyan siyang nasa kritikal na kondisyon.

Ani Torre, naglunsad na rin sila ng manhunt operation para sa agarang ikaaaresto ng suspek.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with