^

Metro

6 huli sa paggawa, pagbebenta ng pekeng LTO driver’s license

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang anim na katao, kabilang ang may-ari ng isang printing shop dahil sa pag-iimprenta at pagbebenta ng pekeng driver’s license sa Sta. Cruz, Maynila, kamaka­lawa  ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Neil Jadonet, 54, negosyante; mga tauhang sina Orlando Dulay, 52; Christian Bejec, 28; Bernabe Grajo, 39; Dinalyn Coquia, 40; at Alice Braga, 30.

Sa ulat ng Manila Police District-Special Operations Unit, dakong alas-6:10 ng gabi nang magkasa ng entrapment operation ang operatiba sa printing shop sa may Recto Avenue.  Ito ay makaraan ang sumbong na nagbebenta ang mga suspek ng pekeng driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) o mas kilala na “talahib”

Matagumpay na nakapagpagawa at nakabili ng pekeng lisensya ang mga undercover buyer ng pulisya sa mga suspek dahilan para sila arestuhin.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang P500 marked money na ginamit sa operasyon, isang pekeng driver’s license, 2 resibo, isang mobile phone at mga kagamitan sa paggawa ng pekeng lisensiya.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code o mas kilala na Falsification of Public Documents sa Manila City Prosecutors Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with