^

Metro

P4-P6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P4-P6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit
Commuters are seen boarding an MRT-3 train at North Avenue station in Quezon City on March 23, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Maging ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita.

Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6.

Sakaling maaprubahan ang naturang fare hike petition, ang minimum charge ng MRT-3 para sa biyahe mula North Avenue station hanggang GMA Kamuning ay inaasahang magiging P17 na mula sa kasalukuyang P13, habang ang maximum charge naman mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa kasalukuyang P28.

Ayon sa MRT-3, napapanahon na ang pagtataas ng pasahe dahil ang kanilang gastusin ay umaabot na sa P8,969,179,830.02 hanggang noong Nobyembre 2022, habang ang total revenue nito ay nasa P1,107,523,425.23 lamang.

Nagreresulta ­anila ito sa deficit na P7,861,656,404.79 o P88.34 government subsidy kada pasahero.

Nakatakda namang magpatawag ang DOTr ng public consultation hinggil sa petisyon sa Pebrero 17 upang makuha ang opinyon ng publiko, na siyang maaapektuhan nito.

Bukod sa MRT-3, inaasahan din namang magdaraos ng public hearing para sa hiling ng mga ito na P2.50 fare hike na hiling ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2).

vuukle comment

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with