^

Metro

Empleyado ng Ombudsman, hinoldap, binaril ng rider

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Empleyado ng Ombudsman, hinoldap, binaril ng rider
Kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Capital Hospital ang biktimang si Diane Pa­guirigan, 37, ng Unang Hakbang St., Brgy San Isidro, Quezon City dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Kritikal ang isang babaeng empleyado ng Office of the Ombudsman matapos na holdapin at barilin ng isang motorcycle rider sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Capital Hospital ang biktimang si Diane Pa­guirigan, 37, ng Unang Hakbang St., Brgy San Isidro, Quezon City dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

Batay sa ulat ng Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-8:20 ng umaga nang maganap ang krimen sa Quezon Avenue, kanto ng Cordillera St. sa Brgy. Doña Josefa, QC.

Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa lugar nang bigla na lang itong hintuan ng hindi pa kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Sinasabing inagaw umano ng suspek ang bag ng biktima at saka ito binaril bago mabilis na tumakas patungo sa direksiyon ng Quezon City Circle habang ang biktima ay isinugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

vuukle comment

HOLDAP

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with