^

Metro

Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pebrero, sinalubong ng malakihang taas-presyo sa LPG
A worker unloads tanks of liquefied petroleum gas (LPG) in front of an LPG station in Paco and Tondo, Manila on January 30, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinalubong ng malakihang-pagtaas sa presyo ng liquefied pet­roleum gas (LPG) ang unang araw ng buwan ng Pebrero.

Ito’y isang araw lamang matapos na magpatupad din ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Ayon sa Petron at Phoenix, nagpatupad sila ng P11.20 na taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P6.25 sa kada litro ng auto-LPG simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Miyerkules.

Ganap na alas-6:00 ng umaga naman nang magpapatupad ang Solane ng P11.18 taas-presyo sa kada kilo ng kanilang LPG.

Samantala, P5.50 naman ang idinagdag ng Cleanfuel sa presyo ng auto-LPG simula alas-8:01 ng umaga.

Nabatid na ang pagmahal ng LPG ay bunsod pa rin ng pagtaas ng demand sa China dahil sa pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with