^

Metro

Lalaki nasagi ng tren, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang isang lalaki makaraang masagi ng tren ng Philippine National Railways (PNR) at mabagok ang ulo sa riles sa may Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Walang nakakakilala sa biktima pero nang halungkatin ang dala niyang belt bag ay nakita ang isang medical ID ng Tondo Medical Center sa pangalang Deus Simbol, nasa hustong gulang at may address sa Llana St., Tondo.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa PNR railway sa may A. Lo­renzo Street, Brgy. 221 Zone 21, Tondo.

Ayon sa mga nakasaksi, naglalakad sa gilid ng riles ng naturang oras ang biktima habang dumaraan ang tren.  Nang malapit nang makalagpas, dito nasagi ng hulihang parte ng tren ang biktima na bumagsak sa riles at nabagok ang ulo dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente, habang nanawagan sa pamilya nito na kilalanin at tubusin sa pinagdalhang pune­rarya ang kaniyang labi.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with