^

Metro

20 modern PUVs, nadale sa ‘anti-overloading’ ops

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 20 modern public utility jeepneys ang hinuli ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa magkahiwalay na ‘anti-overloading’ operation, kahapon sa Caloocan at Quezon City.

Sa naturang operasyon, apat na modern jeepneys ang nahuling sobra ang pasahero kung saan ay inilipat at isinakay ang mga ito sa ibang pampasaherong sasakyan upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kabilang din sa mga paglabag na naitala ay ang walong tsuper na hindi nakasuot ng tamang uniporme, apat na may sirang breaklight, dalawang unit na walang nakapaskil na fare matrix, at tig-isang unit na walang nakapaskil na “No Smoking” at walang naipakitang Certificate of Public Convenience (CPC) card.

Ang driver ng mga hinuling modern PUVs ay tiniketan at pinatawan ng tig-P5,000 multa sa unang paglabag sa ilalim ng Memorandum Circular 2011-004 ng Joint Administrative Order 2014-01.

“Ako po ay muling nananawagan sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan na sumunod na lamang po tayo sa batas upang maiwasan po na kayo ay maabala ng husto at maging ng mga pasaherong sakay ninyo.Prayoridad po natin ang kaligtasan ng bawat isa, mahalaga ang makarating kayo sa inyong destinasyon ng maayos at pabalik sa inyong pamilya na ligtas,” ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with