^

Metro

Nagnenok sa P200K halagang gadgets sa Maynila 'natunton gamit GCash'

Philstar.com
Nagnenok sa P200K halagang gadgets sa Maynila 'natunton gamit GCash'
CCTV footage kung saan kita ang pagnanakaw ng isang suspek sa laptop at ilang cellphone
Released/MPD-SMART via News5

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit-kumulang P200,000 halaga ng mga cellphone at laptop ang nawala sa isang doktor sa Maynila matapos puntiryahin ng ilang kawatan — pero mahuhuli ang suspects matapos gamitin ang e-wallet account ng biktima.

Ika-28 ng Enero nang masapul ng isang CCTV sa isang ospital ang pag-akyat ng isang lalaki patungo sa pahingahan ng mga doktor at nurse. Paglabas, kapansin-pansing hawak na niya ang isang laptop na kanyang itinago sa loob ng shorts.

"[3 a.m.] I went back... Then nagpahinga, nakatulog, then nagising ako around 5:30 in the morning trying to look for my phone trying to check for any ward calls or referrals, and then 'yun I couldn't find my phone anymore," sabi ng biktima sa ulat ng GMA News nitong Miyerkules.

"I looked for my laptop, wala rin."

Nang gamitin ng biktima ang isang built-in app sa kanyang cellphone upang magamit ito, lumabas na nasa Tondo, Maynila na pala ang telepono.

Isa-isang natunton ang mga suspek sa krimen matapos mag-notify sa kanyang GCash na ginamit ito sa pagpapagasolina.

"Nakita namin sa CCTV 'yung plaka. Doon na kami nag-concentrate," wika ni Pcpt. Edgar Julian, hepe ng investigation section ng Manila Police District-Special Mayor Reaction Team.

"Nakita namin 'yung plaka, vinerify namin sa [Land Transportation Office], naka-register nga po sa isang suspect natin... na naka-address doon sa Payatas. Kaya doon namin finollow up."

Doon na raw nasakote ang suspek na si Andrian Sabido na siyang gumamit sa e-wallet account. Maliban sa pagpapagasolina, ginamit daw ito sa pagbili ng isang "P38,000" halaga ng speaker.

Pero paliwanag ni Sabido, pina-unlock lang daw sa kanya ang telepono at hindi siya sangkot sa mismong nakawan. Pinag-interesan din daw niya ang e-wallet.

"Nali-link po namin sa ibang phone 'yung GCash nila [biktima]. Tapos pumapasok 'yung [one time password]. And then 'pag nakuha po namin 'yung birthday nila, tina-try po namin," ani Sabido.

"Nabubuksan po namin 'yung email [kaya nakukuha namin ang birthday]."

Doon na raw ikinanta ni Sabido si Jomar Teodoro, na siyang nagpa-unlock ng cellphone. Nabili raw niya ang naturang telepono sa halagang P10,000.

Balak daw niyang gamitin ang cellphone at wala raw balak ibenta ito. Nabili niya lang daw ito sa suspek na si Rodolfo Espina (alyas "Ompoy"), na aminadong gusto lamang daw kumita. Nauwi na raw ito sa kanyang pagturo kay Mark David Rellores (alyas "Makmak"), na sinasabing ang magnanakaw na nahagip ng CCTV.

"Sustento po sa dalawa kong anak [ang motibo ko sa pagnanakaw] kasi patay na po 'yung asawa ko dati. Wala pong [nag-aasikaso] sa dalawa," paliwanag niya.

Ayon sa Philippine National Police, si alyas Makmak din daw ang nasa likod ng pagnanakaw sa isang pasyente sa parehong ospital noong January 17. Tatlong cellphone daw ang nakuha noon. Gayunpaman, itinanggi ito ni Rellores.

Nabawi naman ang dalawang cellphone ng doktor at ang nawawalang laptop. Nakakulong ngayon ang apat sa tanggapan ng MPD-SMART. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

CELLPHONE

GCASH

HOSPITAL

LAPTOP

THEFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with