^

Metro

Dismissal ng pulis na dawit sa P6.7 bilyong shabu, ipinagpaliban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dismissal ng pulis na dawit sa P6.7 bilyong shabu, ipinagpaliban
File photo of police personnel.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo ­Azurin, Jr. na pansamantalang ipagpapaliban ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na sibakin sa serbisyo si Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr. na mi­yembro ng  PPNP Drug Enforcement Group na nakuhanan ng P6.7 bil­yong halaga ng shabu sa Maynila noong nakaraang  taon.

Ayon kay Azurin, pi­narerebisa niyang mabuti ang kaso, anggulo, pro­seso at documentation upang matiyak na walang ‘loopholes’ at hindi mababasura dahil lamang sa technicality.

Sinabi ni Azurin na inatasan niya ang Discipline, Law and Order Division (DLOD) ng Directorate for Investigation and Detection Management(DIDM) sa pangunguna ni Maj. Gen. Eli Cruz na siguraduhing hindi mababago o mababaligtad ang rekomendasyon ng IAS na sibakin na sa serbisyo si Mayo.

Giit ni  Azurin, hindi na dapat pang makabalik si Mayo sa serbisyo dahil sa teknikalidad at kawalan ng  due process.

Samantala, wala namang nakikitang  dahilan si Azurin upang tanggalin sa puwesto bilang hepe ng PNP Drug Enforcement Group si chief Brig. Gen. Narciso Domingo matapos na maaresto si  Mayo.

Paliwanag ni Azurin, mismong ang  PDEG  ang umaresto kay Mayo sa isinagawang buy-bust sa kanyang lending office sa Maynila noong Oktubre 8, 2022.

Naniniwala si Abalos na may mataas na opis­yal ng PNP ang umano’y nagpoprotekta sa mga pulis upang  pumasok sa kalakaran ng  ilegal na droga.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with