^

Metro

Cellphones, laptops nadiskubre sa immigration jail

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Bureau of Immigration (BI) ang sari-saring “communication devices” sa loob ng Immigration Warden Faci­lity sa Taguig City kung saan nakaditine ang mga dayuhan na nadakip sa ibat-ibang   krimen at mga paglabag.

Ito ay makaraan na magkasa ng “Oplan Greyhound” ang BI at NCRPO sa naturang pasilidad na nasa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, dakong alas-2 ng mada­ling araw kahapon.

Nakumpiska ang ­ilang piraso ng mobile phones, laptop compu­ters, internet routers at mga cors, mga sigarilyo at tinatayang P500,000 halaga ng cash na pawang ipinagbabawal.
kinasa ang operasyon makaraan ang impormasyon na nagagawang makapag-utos sa kaniyang mga tauhan sa sindikato ang naarestong lider ng isang Japanese robbery gang na si alyas “Luffy” sa kabila na nakakulong siya sa BI Warden Facility at naghihintay ng utos sa kaniyang deportasyon.

Nakatakda rin na magkasa ang sorpresang drug test sa mga tauhan ng BI Detention Facility ang NCRPO.

Sinabi ni NCRPO Director PMGen Jonnel Estomo na isinagawa ang operasyon para mapataas ang antas ng seguridad at kaayusan sa pasilidad para sa mga dayuhang nakaditine, mga bisita at mga tauhan nito.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with