^

Metro

Pick-up girl, pinatay ng kostumer sa motel

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pick-up girl, pinatay ng kostumer sa motel
Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:25 ng madaling araw nang iulat sa kanila ang pagkakatagpo ng isang patay na babae sa loob ng Aristotle Motel sa may Rizal Avenue, Sta. Cruz.
STAR / File

‘Di nagkasundo sa bayad

MANILA, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na umano’y ‘pick-up’ nang pagsasaksakin ng kaniyang kostumer na lalaki makaraang magtalo umano sa bayad para sa panandaliang aliw na inialok ng biktima, kamakalawa ng gabi sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila.

Nadakip ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Naif Imam, 19, vendor, ng Elizondo Street, Brgy. 308, Quiapo, Maynila. 

Kinilala naman ang biktima na si alyas “Malou”.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:25 ng madaling araw nang iulat sa kanila ang pagkakatagpo ng isang patay na babae sa loob ng Aristotle Motel sa may Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng isa sa roomboy na dakong alas-2:15 ng madaling araw nang marinig niya mula sa labas ng Room 314 na nagmamakaawa ang babae. 

Dito niya agad na isinumbong ito sa barangay na siya namang humingi ng tulong sa pulisya.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nauna umanong nagkasundo  ang biktima at suspek sa halagang P400 para sa pagtatalik. 

Nang nasa loob na ng kuwarto, nanghingi ng dagdag na P200 ang biktima na ikinagalit ng suspek at nag­resulta sa pananak­sak sa babae gamit ang may 12 pulgadang patalim.

Sinampahan na ng kasong Rape with Ho­micide sa Manila City Prosecutor’s Office ang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with