^

Metro

E-sabong isama sa mga illegal gambling - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
E-sabong isama sa mga illegal gambling - PNP
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Nais ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.

Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.

Sinabi ni Azurin na  dapat na mabigyan ng kaukulang parusa ang mga service providers na hindi magba-block ng e-sabong websites.

Ipinaliwanag pa nito na, kailangang naka-block ang website ng e-sabong at hindi lamang tatanggalin ang website dahil maaari pa rin itong ma-access bunsod ng  teknolohiya.

Nakikipag-ugnayan na rin umanop sila sa Department of Information and Communications Technology(DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang masugpo ang e-sabong partikular ang mga e-sabong operators.

Nakaraang taon nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang in Executive Order (EO) 9 ang  online sabong sa buong bansa.

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with