^

Metro

‘Tulak’ todas sa shootout

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay  ang isang lalaki hinihinalang ‘tulak’ ng ilegal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang  buy-bust operation sa Port Area, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Kelvie Panansang, alyas Tago, 32, ng Block 1 Dubai Street, Baseco Compound, Port Area.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Baseco Police Station 13, dakong alas-6:30 ng umaga nang magkasa sila ng buy-bust sa tapat ng bahay ng suspek.  Makaraang makapagbigay ng hudyat ang poseur buyer, aktong aarestuhin na ng mga nakaantabay na pulis si Panansang nang makatunog ito.

Agad na nagbunot ng kaniyang 9mm na baril ang suspect  at tatlong beses na pinaputukan ang mga pulis na masuwerteng hindi tinamaan. 

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinatama ng suspect. 
Isinugod pa ng mga pulis ang suspek sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ngunit hindi na ito umabot pang buhay.
 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with