^

Metro

Pasahero nag-bomb joke , hinuli, pinababa ng eroplano

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinuli at pinababa ng eroplano ang isang matandang babae na nagbirong may dalang pampasabog.

Ito’y matapos na humingi ng security assistance ang crew attendants ng Cebu Pacific flight 5J97 na pupunta sa Davao patungong Manila kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Davao International Airport security, kinilala ang pasahero na isang Annabelle C. Macose, 59, at residente ng Pangasinan.

Ayon sa ulat, pinuntahan at sumakay sa eroplano ang mga tauhan ng PNP Aviation Security Group (PNP-AVSEU) na may kasamang ilang airline agent para i-offload at arestuhin ang suspek na pagkatapos ay isinailalim sa imbestigasyon at kalaunan ay itinurn-over sa Sasa Police Station para sa custodial proceedings.

Ang iba pa sa mga pasahero ay pinaalis sa eroplano at ang sasakyang panghimpapawid ay inilagay sa isang itinalagang isolation bay para ang lahat ng naka-check-in na bagahe at mga hand-carried bags ay muling ma-screen bilang bahagi ng protocol ng seguridad. 

Matapos matiyak ang kaligtasan ng sasakyang panghimpapawid, ang flight ay tumuloy sa destinasyon nito at umalis sa paliparan sa 09:11 PM ng parehong araw. May 221 pasahero ang sakay ng eroplano.  

vuukle comment

BOMB JOKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with