^

Metro

Kita ng jeepney drivers, P300 na lang kada araw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kita ng jeepney drivers, P300 na lang kada araw
Colorful and neon light-studded jeepneys wait for passengers at the corner of EDSA-Aurora Boulevard in Quezon City on July 1, 2022.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Bumaba pa sa P300 hanggang P400 na lamang ang naiuuwing kita ng mga jeepney driver sa kanilang mga pamilya.

Bunsod na rin ito nang patuloy pa ring pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda, ang kanilang arawang kita sa ngayon ay malayung-malayo sa estimated family living wage na nasa P1,100.

Aniya, batay sa mismong pag-aaral ng IBON Foundation, dapat P1,133 kada araw ang kailangan ng isang pamilya upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa loob ng isang araw at hindi upang guminhawa ang buhay.

“Dahil nga dun sa serye ng pagtaas, kung dati ay kumikita kami ng P400 to P500, ay ngayon ay lalong nababawasan,” aniya, sa panayam sa radyo.

“Halos bumabalik kami sa P300 to P400 ‘yung aming take-home na naiuuwi namin sa aming pamilya na ‘di hamak na mas malayo sa family living wage para mabuhay ang lima sa isang pamilya,” dagdag pa niya.

Nagpahayag din ng pangamba si Floranda na ang serye ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay makakaapekto hindi lamang sa kanilang sektor kundi maging sa mismong mga mamamayan.

Nitong nakalipas na dalawang linggo ay nagkaroon nang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Base naman sa oil trading nitong nakalipas na limang araw, o mula Enero 23 hanggang 27, sinabi ng isang oil industry source na maaaring tumaas pang muli ang presyo ng petroleum products sa linggong ito.

Ito na ang ikatlong linggong pagtaas sa presyo sa taong itong lamang.

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with