^

Metro

COVID-19 positivity rate sa NCR tumataas

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 positivity rate sa NCR tumataas
Commuters are seen riding coaches of the Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at various stations in Manila on January 12, 2023.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nakitaan ng pagtaas ng positivity rate o ang bilang ng mga taong sumasalang sa COVID-19 test at nagpopositibo sa virus sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group kahapon.

Sa datos ni OCTA fellow Dr. Guido David, naitala ang “seven-day positivity rate” sa 2.4% nitong Enero 27 mula sa 2.0% nitong Enero 26. Noong Enero 20, naitala ito sa 2.5%.

Sinabi ni David na wala pang konklusyon kung magpapatuloy ang pagtaas sa positivity rate at kailangan pang masusing subaybayan ito sa mga susunod na araw at linggo.

Samantala, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 199 bagong COVID-19 cases nitong Sabado para maitala ang kabuuang kaso sa bansa sa 4,072,844 na may 10,038 aktibong kaso.

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa pinakamaraming bagong kaso sa naitalang 72, kasunod ang Negros Occidental na may 16, Davao Del Sur na may 12, Cavite namay 11 at Iloilo na may 8.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with