1,339 dayuhan ipina-deport noong 2022
MANILA, Philippines — Umabot sa 1,339 dayuhan ang naipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) noong 2022 dahil sa sari-saring paglabag sa immigration laws at pagkakasangkot sa krimen.
Sa ulat ni BI Commissioner Norman Tansingco, bukod sa pagpapabalik sa kani-kanilang bansa, inilagay rin ang mga dayuhan sa blacklist upang hindi na muling makapasok ng Pilipinas.
Nangunguna sa talaan ang mga Chinese nationals na 1,104 ang ipinabalik sa China, 87 South Koreans, 39 Vietnamese, 19 Americans at 12 Nigerians.
“Sa kabila ng pandemya at mga hamon dulot ng mga travel restrictions sa buong mundo, nagpatuloy ang BI sa pag-aresto at deportasyon ng mga illegal aliens,” saad ni Tansingco.
Karaniwang bayolasyon ng mga dayuhang nadakip ang pagiging overstaying ng kanilang visa, paglabag sa mga kundisyon ng kanilang pananatili, at pagiging undesirable aliens dahil sa mga krimeng kinasasangkutan.
- Latest