^

Metro

Japan robbery leader ‘Luffy’, nag-ooperate ng sindikato kahit nakakulong sa Pinas?

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

DOJ nag-iimbestiga na

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ukol sa posibilidad na pinayagan ang isang Hapones na makapag-operate ng kaniyang robbery syndicate kahit nakadetine siya sa custodial facility sa Taguig City.

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa kustodiya ng BI ang dalawang lalaking Hapones, isa ay pinaniniwalaan na si alyas “Luffy”, ang robbery ringleader sa Japan. Kinilala siya na si Yuki Watanabe, na may mga alyas na “Kenjie Watanabe at Kenjie Shimada.

Ayon sa kalihim, kapag napatunayan na nakakapag-operate ang mga Hapones kahit nasa loob na ng detention facility ay kaniyang pananagutin ang mga opisyal ng BI.

Walong lalaki ang inaresto nitong Huwebes sa Tokyo City dahil sa serye ng pagnanakaw sa siyudad mula noong nakaraang taon. Nabatid na binibigyan ng instruksyon ng lider ng grupo na si alyas “Luffy” ang mga tauhan sa pamamagitan ng “encrypted message” sa mobile app na “Telegram.  Nang suriin ang numero ng telepono, sinasabi na mula sa Pilipinas ang origin ng mga mensahe.

Sa briefer na inilabas ni Remulla, may summary deportation order na para kay Wata­nabe na may petsang Mayo 28, 2021. Ngunit dahil sa may kasong paglabag sa “violence against women and children (VAWC)” ang Hapones, kailangan munang madismis o mapagsilbihan niya ang sintensya bago maipa-deport.

Inaalam ngayon ng DOJ kung ang naturang kaso ay gawa-gawa lamang o totoong kaso para makaakto sa sitwasyon ni Watanabe.

Isa pang Hapones na si Imamura Kiyoto ang inaresto ng BI noong 2019 sa Ninoy Aquino International Airport sa pag-aakala na siya si alyas “Luffy” ngunit kinalaunan ay nabatid na isa lamang tauhan ng sindikato. Ang pangalang “Luffy” ay kilala sa Japan bilang isang karakter sa manga na isang lider ng grupo ng mga pirata.

Naglabas na ng kautusan si Remulla sa BI Warden na lalong pang higpitan ang pagbabawal sa paggamit ng anumang gamit pangkomunikasyon sa custodial facility at paigtingin ang pag-monitor sa mga inmates.

vuukle comment

BI

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with