^

Metro

Drug ops sa Quezon City: 18 katao, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Drug ops sa Quezon City: 18 katao, arestado
Kabilang sa 18 naaresto ang suspek na si Darlene Joy Bitoon, 22, ng Brgy. Commonwealth, na nakumpiskahan ng aabot sa 35 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P238,000.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasa 18 indibiduwal na sinasabing dawit sa droga ang naaresto ng mga pulis sa serye ng buy-bust operations sa Quezon City kung saan nagresulta rin sa pagkakumpiska ng mga ilegal na droga at mga baril.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director BGen. Nicolas Torre III, kabuuang P751,400 halaga ng shabu at dalawang baril ang nakumpiska sa sunud-sunod na operasyon na ikinasa ng iba’t- ibang police stations ng distrito, mula alas-3:00 ng hapon ng Biyernes hanggang nitong umaga ng Sabado.

Kabilang sa 18 naaresto ang suspek na si Darlene Joy Bitoon, 22, ng Brgy. Commonwealth, na nakumpiskahan ng aabot sa 35 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P238,000.

Siya ay naaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa isang buy-bust operation dakong ala-1:30 ng hapon sa Elma St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Samantala, aabot naman sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000 ang nakumpiska mula sa suspek na si Jupeter Jenajonon, 45, ng Sinagtala Mahabang L. Proj. 8 Quezon City.

Si Jenajonon ay naaresto ng mga tauhan ng DDEU dakong alas-10:00 ng gabi sa buy-bust operation, na ikinasa sa Road 1, malapit sa kanto ng Road 19, sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Naaresto rin ng mga tauhan ng QCPD-Batasan Police Station (PS 6) ang suspek na si Ediel Toledo Rufin, 44, ng Brgy. Bagong Silangan, Quezon City dakong alas-11:00 ng gabi sa Arba St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Nakumpiska mula sa kanya ang may 20 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P136,000, isang  kalibre .45 pistola, na may magazine na loaded ng walong bala; isang sumpak na kargado ng dalawang bala ng 12-gauge shotgun; isang unit ng itim at orange na Honda Click 125i Motorcycle na may MV File No. na 1303-0852629; cellphone at buy-bust money.

Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang si Rufin ay mahaharap sa karagdagang kaso na illegal possession of firearms sa piskalya.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with