^

Metro

Estudyante most wanted sa rape, timbog sa Malabon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Estudyante most wanted sa rape, timbog sa Malabon
Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado na si John Wenzel Modelo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga awtoridad ang isang estudyante na wanted sa rape at kabilang sa mga most wanted persons ng Malabon City,  Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado na si John Wenzel Modelo.

Sinabi ni  Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons ay nagsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpone Section (WSS) ng Malabon City Police sa ilalim ng pangangsiwa ni P/Major Alfredo Agbuya Jr ng manhunt operation in relation to One Time Big Time laban sa target.

Bandang alas-7:30 ng gabi ayon sa opisyal ng masakote si Modelo sa pagbisita nila sa kanilang tahanan sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakapalag ang akusado matapos na mapalibutan ng arresting team ang pinagtataguan nito.

Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rhoda Magdalene L. Mapilep-Osinada ng Regional Trial Court (RTC) Branch 289, Malabon City noong Nob­yembre 16, 2021  kaugnay ng kasong rape.

Nagpapatuloy naman ang manhunt operation laban sa iba pang mga wanted sa batas na nasa talaan ng nasabing himpilan.

 

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with