^

Metro

Suspect sa ‘bomb threat’ sa Ponciano High School, arestado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Suspect sa âbomb threatâ sa Ponciano High School, arestado
Nadakip ng mga tauhan ng QCPD ang sangkot sa ‘bomb threat’ sa isang paaralan sa Quezon City.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Polioce Ditsrict (QCPD) ang umano’y sangkot sa pagpapadala ng ‘bomb threat’ sa Ponciano Bernardo High School sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director Nicholas Torre III ang dinakip na si Elfrank Emil Anthony Kadusale, 22, residente ng Brgy. San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.

Una rito, natunton ng QCPD ang pinagmulan ng bomb threat sa FB page messenger ng Ponciano High School noong alas-12:57 ng Enero 26, 2023 mula sa account ng isang Bob Key Ser Panganiban.

Nang komprontahin ito ng mga guro,itinanggi ng may-ari ng account na siya ang nagpadala ng mensahe.

Dito na niya naalala na nalimutan niyang mag-log out sa kaniyang FB account.

Hiniram umano ng suspek ang kaniyang cellphone.

Nang isailalim na sa pagtatanong ng QCPD ang suspek, sinabi nito na ‘joke’ o isang pagbibiro lang ang kaniyang ginawa.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa P.D. 1727 o Anti-Bomb Joke Law na may kaugnayan sa Section 6 ng R.A. 10175 o Anti-Cyber Crime Law at Robbery Extortion, dahil sa panghihingi umano ng halagang P100,000 para hindi ituloy ang pagpapasabog sa paaralan.

Nagdulot ng matin­ding alarma ang ginawa ng suspek sa mga mag-aaral, guro at mga magulang ng mga estudyante sa nasabing paaralan.

BOMB THREAT

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with