^

Metro

MPD, makikipagpulong sa mga school officials

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang maki­pagpulong sa mga opis­yal ng mga paaralan ang mga opisyales ng Manila Police District (MPD) ukol sa seguridad na ipinatutupad makaraan ang magkakasunod na insidente ng karahasan sa ilang paaralan sa bansa.

Sinabi ni MPD Director Police BGen Andre Dizon na layon nila na makapaglatag ang mga paaralan ng angkop na mga protocols para sa seguridad para maproteksyunan ang mga estudyante sa anumang uri ng karahasan.

Ito ay matapos ang insidente ng pananaksak sa isang high school student sa Brgy. Culiat, Quezon City na nag­resulta sa pagkasawi ng isang 13-taong gulang na mag-aaral at sa aksidenteng pagkasawi ng isang 12-taong gulang na lala­king mag-aaral sa isang paaralan sa San Jose del Monte sa Bulacan.

Sa parehong insidente, nagawang makapagpasok ng mga mag-aaral ng armas sa loob ng paaralan; isang patalim sa Culiat at isang baril ng amang pulis sa Bulacan.

Kasabay nito, pinaa­lalahanan ni Dizon ang mga tauhan na tiyakin na maayos ang pagkakatabi ng kanilang mga armas at hindi makukuha ng kanilang mga anak.  Pinagsabihan din niya ang mga tauhan na gabayan ng husto ang mga anak.

Nilinaw naman ni Dizon na noong nagsimula ang face-to-face classes ay kasama sa regular na iniikutan ng patrulya ng pulisya ang mga eskuwelahan kung hindi man ay may nakatalagang tumutok at magbantay.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with