^

Metro

Presyo ng bulaklak, nagsimula nang tumaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng bulaklak, nagsimula nang tumaas
Vendors are in haste as people start to flock the many stalls in Dangwa, Manila to buy different kinds of flowers on the eve of Valentine's Day on Feb. 13, 2019.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nag-umpisa nang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila ilang linggo bago sumapit ang Valentine’s Day.

Nabatid na nasa P700 na ang bungkos ng lokal na long-stem na rosas mula sa dating P300.  Mula naman sa dating P120, nasa P350 na ang bentahan ng isang bungkos ng short-stem na rosas. Sa mga imported na rosas naman, mabibili na ang isang bungkos nito sa halagang P1,500 mula sa dating P1,000 habang kung isang stem lamang ang bibilhin ay nagkakahalaga ito ng P100.

Nagmahal na rin ang iba pang mga bulaklak tulad ng sunflower na P800 na ang bungkos mula sa dating P500, ang 10 tangkay ng gerbera ay nasa P300 mula sa dating P220, ang “Baby’s Breath” ay nasa P300 na mula sa dating P150.

Ang pagtataas ay bunsod umano ng mas mataas na hango nila sa mga supplier at dahil na rin sa kakulangan sa suplay. Sa ngayon, nananatili pa ring matumal ang bentahan na inaasahan na sisigla lamang kapag malapit na talaga ang Valentine’s Day.

vuukle comment

VALENTINE’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with