^

Metro

Online complaint vs ‘kotongerong’ MMDA traffic enforcer, inilunsad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang mas mabilis na makarating sa kinauukulan ang pormal na reklamo ng motorista laban sa mga tiwali at abusadong kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kung kaya inilunsad ng ahensya ang ‘online complaint platform’.

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes   na kanilang inilunsad ang pagrereklamo ng mga drayber sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa link na  https://bit.ly/3J62YhH o pag-scan sa QR code na makikita sa mmda.gov.ph.

Ang pagsusumite ng reklamo ay simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes. Kapag naisumite ang form na lagpas na sa alas-5 ng hapon ay ikukunsidera na ito sa susunod na araw para maasikaso.

 “Bago po ito, pinadali po natin yung proseso. May ipi-fill-up  lang silang mabilis, tatlong questions lamang po pangalan, yung ticket number at yung kanilang reklamo,” ani Artes.

Ipinag-utos din ni Artes na sa loob ng 72 oras ay kailangang maresolba na ng MMDA Traffic Adjudication Division ang anumang reklamo.

Dagdag pa ni Artes, maaaring gamitin ang online form para kuwes­tiyunin o i-contest ang traffic citation ticket na ibinigay sa kanila hinggil sa traffic violations.

Magugunitang noong Huwebes nang arestuhin ang isang MMDA traffic enforcer dahil sa pa­ngongotong sa isang motorista sa Quezon City. Isasailalim na sa inquest proceedings ang suspek at sasampahan ng kasong administratibo na posibleng magresulta sa pagkatanggal sa serbisyo. 

vuukle comment

TRAFFIC E

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with