^

Metro

2 tauhan ng BIR, 2 pa timbog sa kotong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at 2 pa ang dinakip sa pangongotong sa mga negosyante sa isinagawang  entrapment operation ng pulisya  sa Caloocan City.

Himas-rehas ngayon ang mga suspek na sina  April Claudine Dela Cruz, 30, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5 Caloocan; Joyet Alvero, 55, Admin Assistance Officer, BIR District 5; Jennifer Roldan, 49, freelance liaison officer at Ariel Roble, 46, freelance book keeper.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, naaresto ang mga suspek  sa entrapment operation ng Caloocan Police Station Intelligence Section.

Agad na dinakma ang mga suspek  nang tanggapin ang P1.8 milyon marked money sa ikinasang entrapment operation dakong alas-10:30 ng gabi sa 10, Gen. Concepcion St. Brgy. 132 Bagong Barrio.

Sa report ni Lacuesta kay  National Capital Region Police Office (NCRPO) Director BGen. Jonnel Estomo,  nag-ugat ang entrapment operation nang magreklamo ang may -ari ng Panel Board Fabrication sa Brgy. Potrero, Malabon City.

Sinabihan umano ito ng mga suspek na may tax liability na nagkakahalaga ng P13 milyon.

Mababawasan ang   tax liability kung makakapagbayad siya ng P4.5 milyon kung saan nagkatawaran pa umano at nagkasundo sa halagang P3 milyon.

Disyembre 2, nang magbayad ang business owner ng paunang P1.8 milyon cash subalit walang ibinigay na resibo na naging dahilan upang humingi ito ng tulong sa pulisya.

Nahaharap sa kasong  robbery extortion at paglabag sa Section 17 of R.A. 6713 o Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees ang  dalawang empleyado habang ang dalawa nilang kasabwat ay kinasuhan ng robbery extortion sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with